Submit
madilim. unti-unting lumiliwanag ang paningin. malabo. sige pa. dilat pa. nakita mo yung sarili mong mga paa pag tingin mo sa baba. nakita mo rin yung kanya. ang sofa na may kulay abong may pulang rosas na naisip mo eh bagay sa pangalan ng nanay nnya. yung sinag ng araw mula sa bintana. konti lang ang naiilawan pero sapat na para maaninag mo yung mukha nyang konti na lang ang pagitan sayo. nakapikit sya. hindi mo alam kung natutulog o nagpapahinga lang. ang sarap pagmasdan. tumigil ang oras ng ilang segundo. minuto. oras. pilikmata. kilay. maamong mukha. malayo sa mukhang nakikita mo kapag niloloko ka nya at nagmamake-face sya. nakakatawa. tuloy tayo.. nakayakap sya sayo. yakap mo rin sya. na para bang ayaw mo syang mahawakan ng kahit ano o sino. “mahaba pa ang oras” ang sabi mo sa sarili mo. nakapikit pa rin sya. nakangiti ka pa rin. sa tuwing didilat sya eh titingin ka sa ibang direksyon. pero hindi mo mapipigil yung ngiti mo. tapos maririning mo yung maliit nyang tawa. saka ka nya i-kikiss sa pisngi. ngingiti ka na lang. parang walang epekto. pero ang totoo, nalulusaw ka na pala. umayos ka ng pwesto. hinayaan mo syang humiga sa braso at balikat mo na nakayakap sa kanya. sinusuklay mo ng kamay mo yung buhok nya. ang sarap sa pakiramdam. nararamdaman mo sa leeg mo yung hininga nya. sasabog na ata yung puso mo. hinalikan mo sya sa pisngi. dumilat sya na parang bagong umaga na. ngumiti sya saka hinalikan ka nya. alam nyong masaya kayo. kung pwedeng ganun na lang habang buhay. hindi mo sya kayang ipagpalit sa kahit sino. kahit sinong “mas”. kung meron man. kung pwede lang nairerecord sa video yung eksenang yun. gusto mong balikbalikan. hinding hindi mo malilimutan. para kang binigyan ng isang buong garden kahit damong ligaw lang ang hinihingi mo. konting patak na lang, makakalipad ka na sa saya. alam mong ikaw yung huli nyang nakita bago sya matulog, at yung una sa pagdilat ng mata nya. pumikit ka na rin. gusto mong maranasan matulog ng yakap-yakap ka nya. kaso hindi ka hinayaang matulog ng isip mo. masyado kang masaya para matulog. sinulit mo na lang yung bawat hininga nya sa leeg mo. yung bawat galaw ng paa nya. yung bawat higpit ng yakap nya. yung bawat tibok ng puso nya. yung bawat ngiti. bawat pagpikit na parang nagsasabing huwag kang aalis sa tabi nya. masayang masaya ka. nalimutan mo lahat, maliban sa kanya.